Labor group, inihahanda na ang legal na aksyon laban kay Quiboloy

Ikinagulat ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP) ang pagkakasama ng pangalan nila sa certificate of candidacy ni Apollo Quiboloy.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sonny Matula – muli nitong idiniin na hindi sila ang lumagda sa Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng televangelist.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Tingin tuloy niya – tila ginagamit sila para pabanguhin ang pangalan ni Quiboloy sa gitna ng mga kasong kinahaharap nito.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sa ngayon, pinag-aaralan na umano ng kanilang grupo ang legal na aksyon para aksyunan ang isyu.

Una nilang gagawin ang paghahain ng petisyon, at ang posibilidad na pagsasampa ng reklamo.