Halos 24,000 apektadong trabahante sa region 12, nakabenepisyo sa CAMP ng DOLE 12

KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 119.3 million ang nai-release na pondo ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa ilalim ng COVID 19 Adjustment Measures Program o CAMP.

Nakinabang dito ang 23,859 na mga trabahante na apektado ng pandemic.

Sa datos ng DOLE 12, 23,810 sa mga ito ay mga benepisyaryo ng CAMP 1 at CAMP 2 noong 2021 habang 49 naman sa CAMP 3.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Ang mga benepsiyaryo ay nakatanggap ng one-time cash assistance na P 5,000.

Inihayag ni DOLE 12 assistant regional director Arlene Bisnon na kaunti na lamang ang nakabenepisyo sa CAMP 3 dahil nasa Alert Level 2 na ng COVID 19 response ang Soccsksargen.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang CAMP 3 ay para sa mga pribadong establisemento o mga empleyado na naapektuhan ng pagsarado ng kanilang mga kompanya, retrenchment, work suspension o temporary closure ng kanilang pinagtatrabahuan dahil sa implementasyon ng Alert Level III, o mas mataas pang alert level sa kanilang lugar na ipinatupad noong Enero.