Tinatayang aabot ng halos sa 20,000 personnel mula sa iba’t ibang law enforcement agencies ang pormal na dumaan sa send-off para sa paghahanda sa seguridad ng eleksyon sa Lunes.
Dumalo ang mga tauhan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at mga personnel ng Department of Education.
Umapela si COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan sa mga personnel na dumalo sa send-off sa Kampo Krame, na gawin ang kanilang tungkulin at maging tapat sa mandato nito sa konstitusyon na bantayan ang mga balota.

Ayon sa poll body chief, ang eleksyon ang pinaka-dalisay na uri ng demokrasya kaya naman kinakailangang pangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino na makaboto.
Tinatayang aabot sa anim na raang mga personnel mula sa PNP ang dumalo sa Kampo Krame; habang mayroon ding nasa 400 na mga sundalo; 100 mula sa Coast Guard; at 100 mula sa DepEd.
Isinagawa rin ang kasabay na seremonyas nito sa iba pang mga rehyon sa bansa kung saan mayoong 18,762 na mga attendees.
#