Inilipat ng Commission on Election o COMELEC ang nasa 176 venues sa buong bansa para sa filing ng Certificate of Candidacy o COC ng mga tatakbo sa Barangay at SK Election.
Sa National Capital Region, nasa 19 na distrito ang inilipat ang venues, kung saan 8 dito ang ginanap na sa mga malls.

Pinaka marami naman na inilipat ay mula sa Region 4A na nasa 23, sinundan ng Region 3 at 6 na nasa 22.
Meron din sa Region 5 at 7 na nasa 15, 13 sa Region 8, habang mababa na sa sampu ang sa iba pang rehiyon.
Ayon sa COMELEC, nakasaad sa ilalim ng Section 191 ng COMELEC Resolution No. 10924, maaaring ilipat ang mga lugar para sa paghahain ng COC sa mga kadahilanan tulad ng usapin sa seguridad ng mga aspirante o empleyado ng Comelec, maliit na lugar, o iba pang mga batayan.
Samantala magtatagal naman ang filing ng COC hanggang alas singko ng hapon sa September 2.