Halos 100 benepisyaryo mula sa tatlong bayan sa Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Rolly noong isang taon inabutan ng tulong ng DSWD

CAMARINES NORTE- Aabot sa 98 benepisyaryo mula sa tatlong bayan sa lalawigan ng Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Rolly noong nakaraang taon ang inabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Namahagi ang ahensiya sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa mga Lokal na Pamahalaang Bayan ng Sta Elena, San Vicente at Talisay.

Ayon sa ahensiya nasa P1, 564, 013.00 ang kabuuang halaga na naipamahagi.

Layunin ng nasabing tulong na magbigay ng puhunan para sa kanilang mga uumpisahan na kabuhayan.

Ang SLP ay isang programa ng nabanggit na ahensiya na naglalayong mapakalakas ang kapasidad ng mga kalahok para magkaroon ng matatag na kabuhayan.

Sa mga nagnanais maging bahagi ng programa ay mangyaring makipag ugnayan lang sa mga nakalatagang Project Development Officer ng SLP sa inyong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *