Umabot na sa 5, 781, 152 pesos ang halaga ng naipamahaging tulong pangkabuhayn ng Department of Agriculture Region 2 sa mga grupo ng katutubo sa Lambak ng Cagayan.
Ito ay sa ilalim ng proyektong Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4ks) ng ahensya.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, una nang naibahagi ang 2.5 milyon pesos sa Cagayan, higit 900,000 pesos sa Quirino at 2.5 milyon na halaga ng produktong agrikultural sa mga katutubo.
Nakumpleto naman ang paglulunsad ng 4ks project sa Dinapigue, Isabela kung saan nasa 597,895.37 na halaga ng pangkabuhayan ang naipamigay sa dalawang grupo ng katutubo.
Kaugnay dito, nabigyan ng seedlings ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay, organic fertilizer, manok, pato at kalabaw sa dalawang tribu ng agtas sa Barangay Digumased at Dibulo, Dinapigue, Isabela.
Layunin ng natirang proyekto na mabigyan ng tulong pangkabuhayan upang mapagkunan ng pang-araw araw na pangangailangan ng mga katutubo sa far flung areas sa buong bansa.