Arnold Clavio – naka-survive sa hemorrhagic stroke

Ibinahagi ng broadcaster na si Aronlod Clavio na nakaranas ito ng ‘hemorrhagic stroke’.

Sa kaniyang Instagram post, kinumpirma niya ang kaniyang naranasang health coniciton dulot ng umano’y ‘slight bleeding’ sa kaliwang bahagi ng kaniyang utak.

Kuwento ni Clavio – nagmamaneho lang siya pauwi nang mayroong maramdamang pamamanhid sa kanang bahagi ng kaniyang katawan.

Nang maranasan niya ang mga sintomas na ito ay kaagad daw niyang tiningnan ang sarili niya sa salamin para ma-check kung may pagbabago sa kaniyang mukha, ‘o ano mang senyales ng stroke.

Dinala si Clavio sa Fatima University Medical Center si Clavio para sumailalim sa ilang mga pagsusuri.

Ang blood pressure (BP) nito ay sumipa sa 220/120 at ang blood sugar nito ay umabot ng 270.

Sa ngayon, OK na raw ang kaniyang kalagayan, pero nasa patuloy pa ring nagpapalakas.

Nagpapasalamat pa rin daw siya sa Panginoon dahil isang himala ang kaniyang naranasan. (Hannah Magnaye – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *