Guro – patay sa tuklaw ng Cobra sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay at hindi nakaligtas pa sa kamandag ang isang guro sa
Presentacion, Camarines Sur matapos itong matuklaw ng ahas na cobra.

Sa panayam Brigada News FM Naga kay Jojo Buenafrancisca, tagapagsalita ng lokal napamahalaan ng bayan, sinabing narinig ng guro na si teacher Ruby ang ingay at tahol ng kaniyang alagang aso sa bakuran.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Nagtungo ito sa area upang tignan ito, at dito na tumambad ang nakahandusay na mga tuta.

Pagpasok sa kubo, hindi nakita ang ahas at tinuklaw na sa paa ang biktima.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Naitakbo pa siya sa pagamutan sa St. John Hospital Inc. sa bayan ng Goa pero, idiniklarang DOA ng sumuring doktor.

Samantala, magbibigay naman ng tulong ang LGU kasama ang DepEd bilang pag-alalay sa naiwan pamilya ng biktima. (with reports from ALBERT MAGANTE – 103.1 BNFM NAGA)