‘Guilty’ ang naging hatol ng Korte laban sa sampung fraternity members ng Aegis Juris na sangkot sa hazing kay Horacio ‘Atio’ Castillo III, UST law freshman.
Ki-nonvict ng Korte ang lahat ng akusadong fratment na sina: Arvin Rivera Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, John Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, at Marcelino Bagtang Jr.
Guilty beyond reasonable doubt ang hatol para sa paglabag sa Anti-Hazing Law of 1995.
Dahil dito, sila’y sinentensyahan ng reclusion perpetua, ‘o hanggang 40 taong pagkakakulong.
Pinagbabayad din sila sa mga naulila ni Atio.
Kung maaalala – pitong taon na ang nakalipas nang mamatay si Atio sa initiation rites ng kanilang fraternity.
2018 nakulong ang mga akusado sa Manila City Jail.