PNP, muling ipinaalala na no fly at no drone zone sa Batasang Pambansa Complex sa Lunes; ‘Anti-drone gun’, gagamitin ng pulisya

Muling ipinaalala ng Philippine National Police na ipatutupad nila ang no fly at no drone zone sa Batasang Pambansa Complex sa araw ng SONA.

Kanina, ibinida na ng PNP ang gagamitin anti-drone gun para sa mga magtatangkang magpalipad ng drone sa Batasan.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Kapag binaril ito ng kanila Anti-Drone Gun, makukuha na nila ang ang control sa drone camera upang unti-unting maibaba mula sa paglipad.

Samanatala, nakikiusap naman si NCRPO chief at Task Force SONA commander Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa mga rallyista na sundin ang lugar kung saan lamang sila nabigyan ng pahintulot ng QC LGu na magsagawa ng aktibidad.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Nakiusap din ang opisyal sa mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta sa Lunes partikular sa mga dumaraan ng Commonwealth Avenue.