Aging stock na bigas ng NFA, ibebenta sa halagang 29 pesos kada kilo

Inaprobahan ng National Food Authority o NFA ang pagbebenta nila ng mga aging o nalulumang stock ng bigas sa kanilang ahensya.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni Larry Lacson, ang acting administrator ng NFA, ibebenta ang murang bigas sa mga KADIWA stores sa Metro Manila at iba pang kapartner na mga local government unit.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Prayoridad ng NFA na maibenta ito sa mga 4Ps beneficiaries, solo parents, senior citizens at sa mga PWD.

Target nilang maumpisahan ang pilot selling sa piling lugar sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nasa sampung libong toneladang aging stock ang ibebent ang NFA.

Tinitiyak naman ng ahensya na safe for human consumption ang ibebentang aging stock ng bigas.