Guo, ikukulong muna sa bansa bago ito humarap sa deportasyon kung sakaling mahatulan sa mga kinahaharap niyang kaso

Tiniyak ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na hindi basta basta matatakasan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang posibleng pagpapanagot sa kanya ng gobyerno.

Ayon sa senadora, kung sakali kaseng mahatulan ito sa mga kinahaharap niyang kaso ay kailangan muna niyang mag-serve sa bansa bago ito ipa-deport.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Isa ito sa mga naging pahayag ni Hontiveros matapos mag-match ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese national na si Guo Hua Ping sa isinagawang biometric analysis ng National Bureau of Investigation.

Bago ito, una ng sinampahan ng Department of Justice (DOJ) si Guo ng qualified trafficking na isang non-bailable case.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Samantala, naniniwala naman si Presidential Anti Organized Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na maaring maging ‘stateless’ person ang alkalde kung sakaling mapatunayang isinuko na niya ang Chinese citizenship nito.