Guo iaapela ang pagbasura ng Ombudsman sa kanyang motion for reconsideration

Nirerespeto umano ng kampo ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ang desisyon ng Office of the Ombudsman na ibasura  ang motion for reconsideration upang tanggalin ang preventive suspension laban sa alkalde.

Ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David na mayroon silang ibang legal remedies kabilang ang paghahain ng petition for certiorari sa Court of Appeals.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Naniniwala aniya silang parte ito ng umano’y political harassment laban kay Guo.

Isinusulong din  ng kampo ni Guo ang pagsasampa ng cyber libel cases laban sa umano’y mga naninira sa kanya.