Guo, hindi raw malabong managot sa kasong human trafficking ayon sa isang senador

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na hindi malabong managot si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kasong human trafficking na inihain laban sa kanya at sa tatlo pa nitong Chinese incorporator.

Kasunod ito sa pagbanggit ni Justice spokesperson Mico Clavano na hindi na nila bibigyan pa si Guo at mga kapwa nitong akusado ng panibagong pagkakataon o extension upang makapaghain ng kanilang counter-affidavits.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ayon kay Gatchalian, posibleng isang warrant of arrest ang magtitiyak sa partikular na kasong ito matapos hindi rin humarap si Guo sa Department of Justice (DOJ).

Matatandaan, binigyan ng pagkakataon ng DOJ ang ilang indibidwal na magkaroon ng extension sa kanilang paghahain ng counter-affidavit tulad ni former Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan dahil sa ilang rason tulad ng wala ang ilan dito sa bansa o di kaya ay nagpalit sila ng counsel.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, nakatakda sa August 16 ang susunod na preliminary hearing ng DOJ.