Bagong Education Sec. Angara – mabilis na nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments

Mabilisang nakalusot sa makapangyarihang kamay ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni dating senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Kung saan, hindi man lang umabot sa limang minuto ang pagproseso rito dahil agad na nagpaabot ng suporta at mosyon ang ilang senador at miyembro ng panel nito.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ayon sa kanila, hindi naman nila makukwestyon ang competence at kwalipikasyon ni Angara para gampanan ang kanyang bagong responsibilidad.

Samantala, ayon kay Senate President Chiz Escudero, ang mabilisang paglusot ni Angara ay isa lang ding paraan ng pagbibigay ng courtesy sa kanya bilang dating miyembro ng Senado.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Nakatakda naman ang pormal na kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Angara mamayang hapon sa Plenaryo.