KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ni T’Boli Mayor Dibu Tuan ang turn-over at ribbon cutting ng traditional T’Boli House na Guno Bong na magsisilbing receiving center ng mga turista sa Bakngeb River Cave sa Barangay Laconon habang hindi pa natatapos ang mga ipinatatayong gusali at pasilidad dito.
Sa pagbubukas ng Guno Bong, ito ay makakapag-alok na ng homestay services upang mayroong matuluyan ang mga turista na pumupunta dito at makakapaghain na rin ito ng mga ipinagmamalaking T’Boli Food and Delicacies.
Ang Bakngeb River Cave na isang underground river ay kilala sa river trekking at river kayaking.
Ito ay kilala din sa mga pagkain o “Ken T’Boli” kung saan noong 2016 nagsagawa pa ng isang pag-aaral ang Department of Tourism at mga stakeholders hinggil sa mga pagkain sa T’Boli.
