DA-12, hinihikayat ang mga magsasaka na gumamit ng de-kalidad na binhi

KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Agriculture o DA-12 ang mga magsasaka sa Rehiyon-12 gumamit ng dekalidad na mga binhi na inirerekomenda ng ahensya.

Kabilang sa mga criteria ay ang variety ng puro, walang ibang halo, walang masamang epekto, buo at parehas ang laki at hurma, at 85% pataas ang kalidad ng produkto.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Inihayag ng DA, na dapat bumili sa mga accredited seed growers at hanapin ang NSQCS o National Seed Quality Control Services certification tag na kulay blue na may patunay na nakapasa sa standard ang binhi.

Napag-alaman, na dahil sa patuloy na pag-akyat sa presyo ng binhi sa merkado, hindi na nasusunod ng ilang mga magsasaka ang dekalidad na mga produkto na malaki sana ang maitutulong para sa magandang ani sa kanilang mga produkto.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, tinututukan na sa ngayon ng DA ang mga hakbang na maaaring gawin para sa mga magsasaka na lubos na naapektuhan ng iba’t-ibang problema kagaya na lamang nga pandemya.