8 OFWs mula Lebanon, nakauwi na sa bansa

Umabot na sa 450 Overseas Filipino Workers at 28 dependents mula Lebanon ang nakauwi na sa Pilipinas sa ilalim ng voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Kahapon, October 13, walo pang OFWs ang ligtas na dumating sa NAIA Terminal 1.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ang mga balikbayan na OFWs ay agad na nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php 75,000 mula sa DMW AKSYON Fund at karagdagang Php 75,000 mula naman sa OWWA.

Bukod dito, pinagkalooban din sila ng Php 20,000 na livelihood assistance mula sa DSWD.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Inaasahan naman ng DMW na mas marami pang OFWs mula Lebanon ang uuwi sa mga susunod na araw dahil sa pinaigting na mga hakbang ng pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.