Guinobatan, Albay handa na sa posibleng epekto ng bagyong Odette

LEGAZPI CITY – Pinaghahanda na rin ang mga Barangay at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Guinobatan sakaling maramdaman ang hagupit ni Bagyong Odette sa Albay.

Ayon kay Guinobatan Mayor Gemma Ann Ongjoco, hindi man tatahakin ang Albay ng nasabing bagyo ngunit maaaring magdala pa rin ito ng pagbuhos ng ulan at hangin na magdudulot ng pagbaha sa mga barangay.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Aniya, wala naman coastal area ang Guinobatan subalit maraming kabahayan o barangay ang nasa upper at low lying areas ang maapektohan na mga pamilya.

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Inabisohan na rin ang mga opisyal sa kanilang mga gagawin sakaling magsilikas ang mga residente patungong evacuation center.

Nakahanda na rin ang mga gagamitin na evacuation center na kanilang matutuluyan ng mga evacuees