Binata arestado sa drug buy-bust operation sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Humihimas na sa malamig na rehas ang isang binata matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation kontra ilegal na droga sa Purok 3, Brgy. Bacolod Tabaco City.

Kinilala ang suspek na si Cristian Coronado Bruce alyas “Puti”, 28 anyos residente ng Purok 4 ng Barangay Bacolod ng nasabing lungsod.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon sa report, nagsagawa ng Anti-illegal Drugs operation ang Tabaco CPS kasabay ang Albay Maritime Police Station na nagpopositibo umano sa ilegal na droga matapos pagbentahan ito ng isang poseur buyer sa halagang P1K.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Narekober sa kanya ang isang pirasong small heat sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa buy bust operation.

Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.