Guinness World Record ng may pinakamaraming na-pedicure, target basagin ng Tampakan

KORONADAL CITY – TARGET ng municipal government ng Tampakan na basagin ang Guinness Book of World Record ng may pinakamaraming nabigyan ng pedicure sa loob ng walong oras.

Ang naturang aktibidad ay isasagawa sa June 15 kasabay ng pagdiriwang ng ika-55 Foundation Anniversary at 21st Lum-alay Festival ng Tampakan.

Read More:  Teacher dies after alleged muriatic acid incident in Bacolod

Ang libreng pedicure ay magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Tampakan Municipal Gym.

Kaugnay nito, hinihikayat ng LGU ang publiko na suportahan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagpapa-pedicure upang makuha ang Guiness Book of World Record.

Read More:  Nearly 5,000 food packs airlifted to villages cut off by 7.8-magnitude earthquake

Sa kasalukuyan, ang record ay hawak ng Toronto, Ontario, Canada na nakapagpa-pedicure ng 1,083 na mga tao noong June 10, 2015.