Guidelines ng CF, FOI, pinadedeklarang unconstitutional ng ilang grupo

Kinalampag ng ilang grupo ang Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang guidelines ng confidential funds at ang freedom of information.

Ayon sa grupo ipinambabala umano ito para hindi ilabas ang detalye kung paano ginastos ang pondo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Base sa inihaing petition for certiorari and mandamus, ipinawalang bisa ng grupo ang joint secular 2015-01 o guidelines ng confidential funds.

Gayundin ang Executive Order No. 2 ng Freedom of Information na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Ayon kay Atty. Joseph Peter Calleja nagagamit ang mga executive order at joint secular para ma-exempt at hindi maisapubliko ang impormasyon ng confidential funds kaya pinade-deklara itong unconstitutional o labag sa batas.