Dalawang araw na training on fishery law enforcement ginagawa ngayon sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Ginagawa ngayon dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang dalawang araw na training on fishery law enforcement na inorganisa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

Kabilang sa mga participants ay nagmula sa Bantay dagat, Philippine National Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Agriculture Office at mga kinatawan mula sa iba’t- ibang barangay ng Talisay na ginaganap sa Parish Hall, Barangay Poblacion, Talisay, Camarines Norte.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bukod sa training ito rin ay Orientation on Mangrove and Basic Biology at pag organisa sa Fisherfolks Association.

Kabilang sa mga paksa sa unang araw ng aktibidad ay ang tungkol sa Coastal Resource Management kung saan dito ay tinalakay kung bakit umuunti na ang mga nahuhuling isda, mga sanhi ng overfishing, status ng coral reef at protective management in coral area.

Natalakay din ang tungkol sa papel na ginagampanan ng iba’t- ibang ahensiya, salient features ng Philippine Fisheries Code, prohibitions and penalties, Municipal Fisheries Ordinance at marami pang iba.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ngayong araw naman ay tatalakayin ang tungkol sa Fishery Law Enforcement Manual operations, operational planning, actual seaborne operation at marami pang ibang paksa. Ayon sa BFAR, layon ng aktibidad na mabigyan ng  kaalaman ang mga participants at magkaroon ang mga ito ng malinaw na pag unawa sa papel na ginagampanan ng bawat ahensiya sa Fisheries Enforcement sector.