Smooth transition sa next admin, tiniyak ng Palasyo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na magkakaroon ng maayos at swabeng transition ang pagpalit ng liderato ng Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni acting presidential spokesperson, Communications Secretary Martin Andanar na makasisiguro ang publiko na smooth ang transition ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang itatalagang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Alas-dose ng Hunyo a-trenta pormal na uupo ang susunod na Pangulo.

Kagabi, sa pagdalo ng Pangulo sa isang event sa Pampanga, nagpasalamat ito sa lahat ng mga bumoto sa kanya at mga naging daan para maging Pangulo ito ng Republika ng Pilipinas.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nanawagan din si Duterte sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang mga hakbang at inisyatibo para sa maayos na social development.

Umapela rin ito sa mga ihahalal na public officials na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para pagsilbihan ang mga Pilipino.
#