Mga paaralang lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina, pwedeng i-delay muna ang pagbubukas ng klase

Maaaring magtuloy sa July 29 ang pagbubukas ng mga klase ang mga paaralang wala o may kakaunting pinsala dahil sa Bagyong Carina at southwest moonsoon.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, maiintindihan naman na ang mga paaralan na lubhang naapektuhan ay magpo-postpone muna ng pagbubukas ng school year.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Aniya, ilang paaralan ang mangangailangan na i-postpone ang pagsisinula ng klase dahil maraming kailangang ayusin at linising; pero ang mga paaralang may minimal damage ay itutuloy pa rin ang nakatakdang araw ng pasukan.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Sinabi rin ni Angara na maglalabas sila ng listahan ngayong araw ng mga school na kailangang i-delay muna ang class opening.

Binigyang-diin ni Angara na hindi nila pipilitin ang nga lubhang nasalanta ng bagyo, at mahihirapan sa school opening sa Lunes.