GSIS sa Maharlika Investment Fund – ‘You invest when the market is down’

Wala pa man ang isang linggo ay muling sumalang sa pagdinig ng House Banks Committee ang ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ng mga kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pagharap ni Government Service Insurance System (GSIS) chief Wick Veloso sa Kamara, sinuportahan niya ang panukala at sinabing mayroon itong ‘layers of transparency’.

Kumpyansa si Veloso na mayroong mga safegruads para hindi mapunta sa wala ang initial allocation na magmumula sa mga pension funds.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Naniniwala rin ang GSIS official na napapanahon nang magtatag ng sariling sovereign wealth fund ang Pilipinas dahil bagsak ngayon ang merkado.

Kinuwesetyon naman ng iba’t ibang grupo ang tila pagmamadali sa panukala.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Para sa Alliance of Health Workers, at Kilusang Mayo Uno, hindi dapat unahin ang MIF lalo na’t marami pang mga dapat paglaanan ng pondo ang hindi pa rin natutugu-tugunan.

Ikinabahala rin ng ilang mga resource persons na masasaalang-alang ang pensyon ng mga miyembro ng SSS at GSIS, at higit na maaapektuhan ang buwis na binabayaran ng mga Pilipino.
#