Dinepensahan ng dalawang lider ng Bicameral Conference Committee ang ginawang pagbabalik ng P150Million na confidential and intelligence fund (CIF) ng Department of Education.
Matatandaaan kasing sa nilagdaang Bicameral Report sa P5.268Trillion na 2023 National Budget – binalik ang kontrobersyal na pondo na una na sanang tinapyas ng mga kongresista.
Ayon kay Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara, pinagbigyan lamang nila ang hiling ng DepEd dahil kailangang-kailangan daw ng Kagawaran ang naturang pondo.
Sinabi naman ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co na naniniwala silang ang P150Million na halaga ng budget ay makatutulong para mailayo ang mga kabataan sa maling landas.
Paliwanag ni Co, umaasa silang ang DepEd ang mangunguna sa mga hakbang para matiyak na hindi maliligaw ng direksyon ang mga kabataan.
Matatandaang maliban sa ibinlaik na CIF ng DepEd, napagkasunduan ding ibalik na ang hiling na P10Billlion na budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
#
READ MORE:
