Nangako ang Government Service Insurance System (GSIS) na magkakaroon ng transparency sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund.
Ito ang muling tiniyak ni GSIS chief Wick Veloso sa gitna ng mga agam-agam na mauuwi sa kurapsyon ang MIF dahilan para mapunta sa wala ang in-invest na pension funds na buongbuhay pinaghirapan at pinag-ipunan ng mga miyembro nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Veloso na mai-invest ang pondo nang maayos at magkakaroon din ng sapat na mga safeguards para rito.
Ipinunto ng GSIS official na magkakaroon ng Maharlika Board na bubuoin ng iba’t ibang mga sektor at internationally accredited auditing firm.
Sa huli, nanindigan si Veloso na ang Maharlika ay isang ‘long-term investment’ na higit na makatutulong para sa national development ng Pilipinas.
#