50 magsasaka mula sa Daraga, Albay, nakapagtapos sa farmer field school

Aabot sa 50 mga magsasaka mula sa bayan ng Daraga, Albay ang nakapagtapos sa Farmer Field School (FFS) para sa produksyon ng mga high quality inbred rice at seed certification at farm mechanization.

Ito ay isang programa mula sa TESDA kasama ang Department of Agriculture (DA) na isinagawa sa AFBVille Farm School sa Albay Provincial Agriculture Office (APAO) sa bayan ng Camalig.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Ang nabanggit na pag-aaral ay isang programa kung saan maliban dalawang opisinang nabanggit ay may mayroon pang mga partner agencies na naglalayong makapagturo ng tamang sistema sa pagtatanim ng mainam at magandang agricultural farming practices sa mga magsasaka.

Maliban dito, isa rin sa kanaisan ng programa na mai-promote ang matalinong pagpapasya pagdating sa integrated pest managemnent.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Ang seremonya ng pagtatapos ng mga magsasaka ay pinangunahan ng Municipal Agricultural Services Office (MASO), kung saan ang mga nagtapos ay mula sa mga barangay ng Busay, Pandan at Lacag ng nasabing bayan na dumaab sa 96 training hours.