PBBM, hiniling sa DOH na unahin ang kampanya nito ang laban sa HIV at tuberculosis infections

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Health na unahin din ang kampanya nito laban sa human immunodeficiency virus o HIV at tuberculosis infection dahil banta rin ito sa kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Marcos na mayroong iba pang isyu sa kabila ng COVID-19.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ito ay kasunod ng pagdami ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa ngayong taon matapos luwagan ang mga ipinatupad na COVID-19 restrictions sa bansa.

Sinabi ni health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mahigpit na COVID-19 protocols ang naging malaking factor sa hindi agad pagkaroon ng pagsusuri. Nakikipagtulungan na rin umano ang Kagawaran sa iba pang sektor at ahensya para gawing accessible ang kanilang mga serbisyo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Mula January 2022 hanggang September 2022, nakapagtala ang DOH ng 11,476 na kaso ng HIV.

Samantala, nanawagan din si Marcos sa ahensya na palakasin ang kanilang anti-tuberculosis drive.

#