Pinasinungalingan ng grupong People’s Initiative for Modernization and Reform Action o PIRMA ang usapin na gumagamit ang grupo ng public funds para sa kanilang signature campaign.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Atty. Dezery Perlez, ang Legal Counsel ng PIRMA, sinabi nito na mismong pondo ng samahan at sa tulong ng iba’t ibang mga pribadong grupo ang kanilang ginagamit kampanya.
Sinagot din ni Atty Perlez ang naging pahayag ni Sen. Imee Marcos patungkol sa People’s Initiative na tila ‘dead-on-arrival’ na.
Sa huli, hindi aniya magpapatinag ang samahan sa gitna ng pahayag ng Pangulo na hindi pa ito na papanahon lalo’t nire-recognized ito ng batas at kanila lamang ini-exercise ang karapatan ng bayan.
(Photo: screenshot from PIRMA ads)