Pinabulaanan ng transport group na Manibela ang deklarasyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na ang nationwide transport strike ay wala masyadong epekto sa mga operasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Artes, ang welga ay walang malaking pagkagambala sa sektor ng pampublikong transportasyon sa buong bansa.
Gayunpaman, sa isang statement ng grupo sa kanilang facebook page ay sinabing sinungaling umano ang chairman ng ahensya. Dagdag pa ng grupo na kung ang welga ay hindi epektibo, ano kaya ang naging dahilan sa pagsususpinde ng mga klase at pagkakaroon ng libreng sakay.