Grupo sa DICT, ‘Ipamahagi ang mga inaalikabok na laptops sa storage sa mga guro at estudyante’

Hinimok ng isang grupo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ipamahagi sa mga guro at learners ang mga hindi nagamit na mga laptops at tablets na nadiskubre ng Commission on Audit (COA), para makatulong umano sa deficiency sa mga devices para sa edukasyon.

Giit ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines Chairperson Vladimer Quetua, na nakakadismaya na labis ang kakulangan ng mga gadgets para sa education, ang iba naman umano sa mga ito ay inaalikabok lang sa DICT storage.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Tinutukoy ni Quetua ang 866 na mga laptops at 12,482 namga tablets na nagkakahalaga ng P92.968 million.

Sa publicized 2021 audit sa DICT, binigyang diin ng mga state auditors na ang naturang mga gadgets ay maaring maging “obsolete” kung hindi pa ito maipamamahagi o magagamit.

Batay sa online survey ng ACT, na nilahukan ng 6,732 public school teachers sa buong bansa, lumalabas na 69 percent ng teacher-respondents mula sa National Capital Region (NCR) ay gumagamit ng personally-owned laptops, kung saan 24 percent sa mga ito ay binabayaran ang kanilang laptops sa pamamagitan ng installment basis.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Matatandaan na ipinananawagan na ng ACT ang probisyon na pagbibigay ng laptop para sa bawat guro simula nang magsimula ang pagpapatupad ng distance learning noong 2020.