Comelec sisimulan na sa Setyembre ang pag-imprinta ng mga balota para sa 2022 Barangay Elections

Target ng Commission on Elections (Comelec) na simulan na ang pag-imprinta ng mga official ballots para sa Dec. 5, 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, na batay sa kanilang timetable, kailangan na umano nilang simulan ang printing ng mga balota sa Setyembre.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Dagdag ni Garcia, na ang pinakamaraming naiimprinta nila sa loob ng isang araw ay 4 million, dahil nasa 70 million ang mga botanta, kasama sa SK.

Giit nito, na makikita dito kung gaanu lang kaiksi ang kanilang panahon sa printing ng mga balota, hanggang sa pag-verify sa size, color at positions.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa ngayon, sinimula na ng poll body ang pagbili ng ilang election paraphernalia gaya ng padlocks para sa ballot boxes.

Isusunod naman umano ito ang pagbili ng ballpens, indelible ink, at ballot paper.