Pilipinas maaari pa rin umangkat ng asukal sa Oktubre – PBBM

Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos na maari umanong kailanganin ng bansa na umangkat ng asukal sa Oktubre, pero ganoong kadami sa 300,000 metric tons na una nang napaulat.

Sa kanyang vlog na ipinost sa Facebook page ng Office of the President, sinabi ni Marcos na nakikipag-ugnayan na ngayon ang Pilipinas sa iba’t-ibang stakeholders, kaugnay sa isyu ng sugar importation.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Dagdag ni Marcos, na malaki na siuro ang 150,000 metric tons, para sa buong taon na ito, kaya sa palagay umano niya ay bawasan nang mabuti ang importation ng asukal.

Batay sa huling datos mula sa Department of Agriculture (DA), lumalabas na ang presyo ng refined sugar ay nasa P100.00 per kilogram, washed sugar sa P75.00 per kilogram, at ang brown sugar ay nasa P70.00 per kilogram sa Metro Manila as of August 12, 2022.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, ipinaliwanag naman ng pangulo na ibinasura niya ang proposals na pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal dahil, may sapat pa naman umanong supplies kaya pasok sa demand sa merkado.

Para kay Marcos na bago umangkat ng panibagong asukal ay dapat ubusin na muna ang kasalukuyang suplay.