Pagsunod sa international law at pakikipagdayalogo upang tugunan ang geopolitical issues, panawagan ng Papal Nuncio

Mapayapang pag resolba at pagsunod sa international law upang tugunan ang geopolitical issues, panawagan ng Papal Nuncio kasabay ng Independence Day

Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan, may panawagan ang Apostolic Nuncio at Dean ng Diplomatic Corps na si Charles Brown sa gitna ng mga hamon sa larangan ng geopolitics.

Sa ginanap na Vin D’ honneur sa Palasyo ng Malacañang, ipinanawagan ng Papal Nuncio sa lahat na igalang ang international law, tanggapin ang pagkakaiba-iba at isulong ang mapayapang dayalogo sa geopolitic issue.

Binigyang-diin ni Brown na hindi nalalayo ang geopolitical situation ngayong 2024 sa sitwasyon ng mundo noong 1962.

Ipinunto nito na kahit sa kasalukuyan, ang karahasan na sanhi ng pagkakabaha-bahagi ng mga bansa ay patuloy na nararanasan.

Kaya kung nais anya ng lahat na gawing ligtas at mapayapa ang mundo, dapat lang na isulong ang pakikipagdayalogo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *