Grupo ng mga doktor: “Hindi lockdown ang solusyon sa pandemya!”

Nanindigan ang isang grupo ng mga doktor na hindi solusyon ang lockdown sa kasalukuyang pandemya.

Sa isang statement, sinabi ng Philippine Society of General Internal Medicine (PSGIM) na sa halip na asikasuhin ng gobyerno kung kailan dapat ipatupad ang mga lockdown ay mas mabuti umanong isipin ng mga ito kung paano nila ligtas na mabubuksan ang ekonomiya ng bansa.

Hindi umano paraan ang pagpapaluwag ng  quarantine measures sa kasagsagan ng pagdami ng kaso ng COVID-19 upang mabuksan na ang ekonomiya.

Ayon sa grupo, ang kailangan ng bansa ay ang kapaligiran na maaaring mamuhay ng ligtas kasama ang virus kung saan ipinatutupad ang workplace safety, transport safety, alam ng publiko ang plano ng gobyerno, at matiyak ang healthcare para sa mga nangangailangan, na maaari umanong makamit kung lahat ay magtutulungan.

Nagpahayag din ng suporta ang PSGIM kay Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin at iba pang mga doktor na humihiling na isailalim muli ang Metro Manila sa ECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Pinasinungalingan naman ng grupo ang akusasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tila wala na umanong nasabing maganda ang mga medical workers sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *