Binigyang-diin ng mga lider ng iba’t ibang grupo ng government workers na hindi makatarungan ang inisyung Executive Order No. 64 ni Pangulong Marcos Jr.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Santiago Dasmarinas Jr., Presidente ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees, higit P40,000,000 milyon ang ginastos ng pamahalaan para pag-aralan ang umento sa sahod pero hindi naman umano direktang kinonsulta ang mga kawani ng gobyerno.
Dismayado rin si dating Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite at hinimok ang kongreso na gumawa ng hakbang para maaprubahan ang nakabubuhay na sahod para anila’y makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Muli ring isinigaw ng grupo ang panawagang P33,000 na buwanang sahod batay sa Family Living Wage.