Groundbreaking ceremony sa ilang bagong pasilidad sa Cauayan City, isinasagawa kasabay ng Rescue 922 11th Anniversary


Kaalinsabay ng selebrasyon ng ika-11 na anibersaryo ng Rescue 922 at commemoration ng kaarawan ni dating Mayor Benjamin Dy ay nagsagawa ang LGU Cauayan City ng inauguration at ground breaking ceremony sa mga bagong pasilidad sa lunsod.


Sa nakalap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pormal nang ilulunsad ngayong araw ang Contactless Apprehension Program sa lunsod na gaganapin sa Brgy. Tagaran Cauayan City.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu


Natapos na rin ang groundbreaking ceremony ng Bagsakan center sa Brgy. Alicaocao kung saan pinangunahan ito ni City Mayor Bernard Dy, mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod, Vice Governor Bojie Dy III at ilang miyembro ng PGI.


Kabilang din sa mga aktibidad ngayong araw ang inagurasyon ng bagong building ng CENRO sa Brgy. Cabaruan.


Magkakaroon din ng blessing sa City Engineering Office, New hall of Justice and Judges, BGD Memorial statue sa Sport complex, at City Health office III sa Brgy. Nungnungan 2.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors


Bukod dito ay isasagawa rin ang ribbon cutting at turn-over ceremony ng Tourism Display Panel sa SM City Cauayan at paglulunsad ng Solar Energy system sa festival grounds, Cauayan City hall.


Tiniyak naman ng LGU-Cauayan City na nasusunod ang health protocols kasabay ng pagsasagawa ng naturang mga aktibidad.