LEGAZPI CITY – Isinagawa noong nakaraang linggo ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Albay Provincial Operations Office sa Brgy. Tuburan, Ligao City.
Ito ay pinangunahan ni DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober, Jr. kasama si Assistant Regional Director Jhoaden Lucero, DILG Albay Provincial Director Ray B. Caceres, City Mayor Fernando Gonzalez, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Malaking tulong umano ang opisina upang mas mapalawak pa ang ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa idinonate na lote para sa konstruksyon ng opisina.
Matatandaan, una nang inanunsyo ni Albay 3rd District Rep. Didi Cabredo na sisimulan na ang konstruksyon nito ngayong taon, kung saan nasa PHP300M na pondo ang inilaan para rito sa ilalim ng General Appropriations Act, fiscal year 2024 sa kongreso.