Greenpeace, hinimok ang DOE na abandonahin ang mga plano nito para sa nuclear energy

Hinimok ng mga miyembro ng Greenpeace ang gobyerno na abandonahin ang mga plano nito para sa nuclear energy kasabay ng pagmarka ng grupo sa ika-11 anibersaryo ng Fukushima Nuclear Disaster.

Inihayag ito ng grupo kasabay ng kanilang pagdaraos ng kilos protesta sa harap ng headquarters ng Department of Energy sa Taguig City nitong Biyernes.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sinabi ng environmental activists na dapat ay tumigil ang DOE sa pag-asta bilang “loyal minion” ng nuclear industry at sa halip ay pagsilbihan na lamang ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng energy security.

Naniniwala ang grupo na magagawa ito ng gobyerno sa pamamagitan ng clean at safe renewable energy.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Matatandaan na sinabi ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza na mas abot kaya at mas malinis ang nuclear energy kumpara sa iba pang sources, at makatutulong ito sa pagkamit ng bansa ng energy security.

Si Erguiza ay ang nagsisilbi bilang chairperson ng DOE Nuclear Energy Programme Implementing Organization.