Great wall of China, binutas para magkaroon ng shortcut?

Kilala ang Great wall of China bilang isa sa pinakamahabang istraktura sa buong mundo na itinayo pa higit 2 libong taon ang nakakalipas.

Marahil ito na rin ang isa sa pinakatanyag na pader na magpahanggang ngayon ay dinadalaw ng maraming mga turista na galling sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Pero alam niyo na ba na may dalawang construction worker ang tinangkang butasin ang isang bahagi ng Great wall of China para magkaroon ng “shortcut”?

Tama! Dahil sa pagnanasang magkaroon ng shortcut, ito’y binutas sa pamamagitan ng excavator.

Ang bahaging winasak sa nasabing tanyag na pader ay ‘yung nasa may Shanxi province at malayo ito sa Beijing kung nasaan ang lugar na madalas pinupuntahan ng mga turista.

Kaya naman, arestado ang dalawa dahil ang bahagi ng sinira nila ay hindi na muling maibabalik sa orihinal nitong ganda at disenyo. ### KENNETH BERMIL