Granular lockdown sa mga purok o barangay na may mataas na kaso ng COVID-19 pinag-aaralang ipatupad sa lungsod ng Legazpi

BICOL—Pinag-aaralan ngayon ng Local Interagency Taskforce sa lungsod ng Legazpi ang posibilidad ng pagpapatupad ng granular lockdown sa mga Purok o Barangay na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni Mayor Noel Rosal na nakakaalarma ang pagdami ng kaso sa lungsod kung saan mayroong mga nagpopositibong walang exposure o hindi nagging close contact ng mga dati nang tinamaan ng sakit.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Maliban sa mga purok at barangay, kasama rin sa mga isasailalim sa granular lockdown ang mga establisimiento at mga tanggapan na magkakaroon ng mataas na kaso ng sakit.

Aminado si Rosal na hindi maaaring ipatupad ang citywide lockdown kung kaya masusi nilang pinag-aaralan kung aling mga Purok o barangay ang maaaring isailalim sa granular lockdown.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang pinal na desisyon at guidelines na ibababa ng LGU hinggil dito matapos ang pulong ng task force kahapon.### || slm