PATAY ang isang batang lalaki na Grade VI pupil habang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa nitong kasama matapos makabanggaan ng kanilang sinasakyang payong-payong ang kasalubong na kotse kahapon alas diyes ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si AHMAD ALYAMI, 17 years old, estudyante ng Bugawas Elementary School, habang kritikal naman sa pagamutan ang kanyang dalawa nitong kasama.
Sa naging salaysay ng nanay ng biktima, maliligo umano sana ang tatlo sa isang paliguan malapit sa lugar sakay ang isang payong-payong at habang binabagtas ang national road ay di inaasahang maka head on coalition ng kanilang sinasakyan ang isang Honda Fit car.
Sa lakas ng impact ng dalawang sasakyan ay dead on the spot si ALYAMI dahilan para humiwalay ang side car ng motorsiklong sinasakyan nila samantalang nayupi naman ang ulo ng naka engkwentro nilang sasakyan.
Agad namang kinuha ng mga kaanak ang nasawing si ALYAMI upang mabigyan ng disyenteng libing ayon sa Islamic rights.
Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng lokal na kapulisan ng nabanggit na bayan habang patuloy naman nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawang batang kasama ni ALYAMI.