LGBTQ A plus Community puwede nang sumali sa Majorettes Competition

NAGA CITY – May tatlong pagbabagong magaganap sa ilang mga programa at aktibidad sa mangyayaring Penafrancia Fiesta Celebration sa Naga City ngayong Setyembre, kabilang na rito ang puwede ng sumali sa Majorettes Competition ang mga nasa LGBTQ A plus Community.

Ang mga lalaki, puwede na ring mag-majorettes, ang tawag ay color guards.

Ito ang inilabas na anunsiyo ngayong umaga sa ginawang pagharap sa media ni Allen Reondanga, Chief ng City Events Protocol and Public Information Office.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa paliwanag ni Reondanga, ito ang napagkasunduan sa ginawang Bicol Military Parade Committee Coordination Meeting kahapon na nilahukan ng mga ROTC Commandants, CAT Facilitators at mga Majorettes and Band Trainers mula sa mga paaralan sa Naga City, Camariners Sur at ilang lalawigan sa Bicol region.

Aniya’y may kategoriya naman na inihanda sila sa mga LGBTQ A Plus tulad ng kategoriya sa ROTC at CAT.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang ibang mga aktibidad na taunang nakikita tulad ng voyadores festival ay may pagbabago na rin, mas pinalaki pa ito at mas maraming entries ang puwedeng tanggapin.

Bukod sa mga programa, may bagong venue na bubuksan para sa iba’t –ibang aktibidad, isa na rin dito ang Balatas New Development Area, na paglalagyan din ng karnabal.