Gov’t officials dapat ibunyag kung  may kamag-anak na kabilang sa ‘terrorist’ groups – Senador

Ipinanukala ni Senator Francis Tolentino na i-require ang mga opisyal ng gobyerno na ibunyag kung sila ay may kamag-anak mula sa mga grupo na ikinokonsidera ng gobyerno bilang mga terrorist organizations.

Sa kanyang privilege speech, inihalimbawa ni Tolentino ang pag-aresto sa kapatid ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera, na ikinokonsidera ng mga otoridad bilang high-ranking officer ng Communist Party of the Philippines.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Giit ng senador na bagama’t wala siyang pagtutol kay De Vera na una nang idinistansya ang sarili sa kapatid, at mayroon umanong security risks ang pagkakaroon ng public officials na may ugnayan sa mga rebelde at terorista.

Kaugnay nito, suportado naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ang proposal ni Tolentino, habang walang nakikitang mali si Senate President Juan Miguel Zubiri sa full disclosure.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Pero sa panig ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, maaring malagay sa alanganin ang career ng isang deserving government officials, kung ipapatupad ang naturang polisiya.

Pinaalalahanan naman ni Senator Loren Legarda ang mga kasamahan, na ang paniniwala sa idolohiya ay katumbas sa subversion.