Binigyang diin ng commuters’ group na bagama’t amenable sila sa isa pang nakaambang taas pasahe sa jeep, ay tanging susuportahan lang umano nila ang P2 increase.
Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pabor sila aprubahan ang mga pending na petisyon para sa fare hike, dahil naiintindihan nila ang frustration ng mga jeepney drivers at operators sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis.
Pero ang hiling ng transport groups sa regulatory board na itaas ang minimum fare sa P15 mula sa kasalukuyang P11 para sa traditional jeepneys.
Sa susunod na linggo, inaasahang ilalabas ng ahensya ang eksaktong halaga para sa increase.
Pero giit naman ng National Center for Commuter Safety and Protection chairperson Elvira Medina, P13 lang at hindi P15, ang kanilang kayang paboran, dahil masyado na umano itong mabigat para sa mga ordinayong manggagawa.
