DOH, NTF nagtutulungan para matiyak ang sapat na suplay ng syringe

Tiniyak ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na patuloy nilang sisiguruhin ang sapat na syringes para sa COVID-19 vaccines.

Ginawa ng DOH at ng NTF ang joint statement matapos sabihin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na muling tinanggihan ng gobyerno ang alok na 50 million vaccine syringes.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Pero pagtitiyak ng dalawang government bodies, nagtutulungan sila para matiyal ang sapat na suplay ng syringes— ang parehong 0.3ml syringes o micro-syringes na compatible para sa Pfizer vaccines, at 0.5ml auto-disable (AD) syringes na para naman sa lahat ng iba pang bakuna.

Read More:  ICC cancels July 14 status conference in Duterte crimes against humanity case

Ang first batch, ay pinondohan sa pamamagitan ng savings mula Unicef procurement noong nakaraang taon, kabilang na ang 8 million 0.3ml syringes na nagkakahalaga ng P29.1 million na ideneliver noong October 2021, habang ang second batch, ay ginastusan sa pamamagitan ng Asian Development Bank, na binubuo ng 44 million syringes na nagkakahalaga ng P152.6 million. //MHEL PACIA-TRINIDAD