Nagpahayag din ng pagsuporta sa Philippine National Police (PNP) ang ilang mga government leaders, kaugnay ng kanilang operasyon sa KOJC compound upang dakpin si Apollo Quiboloy.
Sa ulat ng Presidential Communications Office, kabilang sa mga nagpahayag ng pag suporta ay si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kung saan pinuri nito ang PNP sa pag rescue sa hinihinalang biktima ng human trafficking habang nagsisilbi ng alias warrant of arrest.
Sa hiwalay na statement, nanindigan rin ang DSWD na hindi sila tatahimik lang sa mga kinakaharap na kaso ni Quiboloy.
Ayon pa sa DSWD dapat magkaisa ang lahat ng lider at mamamayan sa pag suporta sa legal process upang protektahan ang mga inosente at mapanagot ang mga may sala.
Naniniwala naman si DILG Secretary Benhur Abalos na nararapat lang ang naging aksyon ng PNP sa pagsisilbi ng warrant of arrest
Nanawagan rin si Abalos kay Quiboloy na sumuko na at harapin ang mga kaso nito.
Anya ang basehan ng demokrasya ay hustisya, at ang basehan ng hustisya ay ang batas na syang ipinatutupad ng pulisya sa pagsisilbi ng warrant of arrest.