Daraga Mayor Baldo na isa sa akusado sa pagpatay kay AKO-BICOL Rep. Rodel Batocabe, arestado ng CIDG

Arestado ng mga tauhan ng CIDG si Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ang isa sa mga co-accused sa pagpatay kay AKO-BICOL part-ylist Rep. Rodel Batocabe at police escort nito na si PSMS Orlando Diaz noong December 2018.

Sa ulat mula kay CIDG Director P/MGen Leo Franciso, inaresto si Baldo sa bisa ng warrant of arrest dahil sa 2 counts ng kasong murder na inilabas ng Korte.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Nahuli sya ng mga awtoridad kaninang 12:45 ng madaling araw sa Camalig, Albay.

Paliwanag ni Franciso, mula nang ma-activate ang Special Investigation Task Group-BATOCABE, hindi nila tinantan ang pagtutok sa kaso mula sa filing ng murder kay Baldo, at 5 pa nitong co-accused.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Maaalalang naganap ang pamamaril kay Batocabae noong December 22, 2018, sa isang Christmas party para sa mga senior citizen sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay.